Nakapaloob sa Timog Silangang Asya ang mga bansang Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam. Samantalang sa Karagatang Timog Silangang Asya ay ang mga bansang Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Singapore. Ang lahat ng mga bansang nabanggit ay kasapi sa South East Asian Nation (ASEAN) maliban sa Silangang Timor na isang kandidatong estado pa lamang sa ASEAN. Ang Budismo, Confucianismo, Katolisismo, at Islam ang mga relihiyong umiiral sa rehiyong ito. Mayaman rin sa panitikan ang mga bansang kasapi rito. Ang Ramayana at Mahabharata ng Cambodia ay repleksiyon ng kanilang rehiyong Budhismo. Ang panitikan ng Malaysia ay koleksiyon ng mga panitikan na ginawa sa Malay peninsula hanggang 1963. Pinakapopular naman na paraan ng panitikan sa Brunei ang pagtula na tinawag nilang sajak. Ito ay isang libreng paggawa na estilong Malay kung saan ito ay nangangahulugang “pagkatugma-tugma” na naglalaman ng propaganda nila laban sa bansang Hapon. Karaniwan sa panitikan ng bansang Thailand ay nakatuon sa kanilang relihiyon at kultura. Ang panitikan ng Pilipinas ay nakatuon sa kalagayang pulitikal, kultura at rehiyonal na aspeto nito. Hindi madali ang pinagdaanan ng mga manunulat sa pagsulat ng kanilang mga akda. May mga panahong patago ang pagsusulat ng panitikan lalo na noong panahon ng Espanyol. Nag-iba lamang ang kalagayan nito ng napalitan ng bansang Hapon na tinaguriang “Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino” sapagkat mas naging malaya ang pagsulat ng panitikan sa Filipino. Iba-ibang genre ang umiiral sa bawat panahon, may tula, maikling kuwento, dula, at iba pa. Ang akdang “Tiyo Simon” ay isang uri ng dula na tumatalakay sa paniniwala ng tao sa kaniyang relihiyon na mababasa sa yunit na ito. Magkaiba man ang relihiyon, uri ng edukasyon, kasuotan, pinaniniwalaan o panitikan ay mababakas pa rin ag pagkakaibigan ng mga bansang kasapi sa ASEAN.

Written by
admin